Kalam Kalam
Profile Image
Miriam Paña
2 months ago

struggle is real

Ako SI yam, Taga Samar, 38 years old... isa akong single mom sa 7 anak... how it happens? siguro sa katangahan sa love... Hindi sa pagmamayabang pero matalino Naman ako, consistent honor student noong elementary days ko, nasa Special education science class with highest honors noong high school, then kumuha ng engineering during my college days, pero di ko natapos dahil sa natuto akong magbarkada. napasali sa fraternity kaya Hindi natapos ang kolehiyo, nagpunta akong maynila para makipagsapalaran ng travaho. panganay Ako sa tatlong magkakapatid kaya Ako sana ang inaasahan ng parents ko pero Wala eh, nakapagtrabaho Naman Ako sa maynila, nakatulong sa magulang kahit papaano pero Sandali lamang Kasi nainlove na ng tuluyan, umuwi Ako sa Amin Kasi nabuntis sa panganay kambal naging anak ko, kasama ko Yung una Kong Asawa ng umuwi kaming samar, Masaya kami noong una kaya nagkaroon kami ng apat na anak... pero noong tumatagal na Hindi na nagiging Masaya ang pagsasama namin. nauwi sa Hiwalayan. iniwan Ako na may apat na anak. Akala ko katapusan na ng Mundo. pero malaking pasasalamat ko na may mga magulang Ako na nandiyan pa rin kahit nagkamali na Ako na Hindi ko natapos ang pag aaral ko at tinanggap pa rin Ako sa sitwasyon ko Ngayon. nagpatuloy Ako sa aking Buhay, nag aral uli Ako sa kolehiyo sa kabila ng Meron na akong mga anak, this time education Naman kinuha ko. nakapagtapos Naman Ako ng education pero along the way may nakilala na Naman Ako na nagpatibok uli ng puso ko. despite me having kids at all. tanggap niya Yun. this time with this man, nagkaroon kami ng tatlong anak. nagkaroon lang kami ng napakalaking problema, Kasi may Asawa Siya, nasa abroad. Akala ko hiwalay na Siya Hindi pa Pala, Ngayon umuwi na Yung Asawa niya galing abroad. nagsama sila, nasa kanya Ngayon Yung Isang anak namin dahil tinanggap Yun ng Asawa niya. pero heto Ako. iniwan na Naman sa pangalawang pagkakataon. Struggle is real Kasi Wala akong trabaho sa Ngayon Kasi may 2 years old akong binabantayan. umaasa lang talaga Ako Ngayon sa mama ko na single mom na rin Kasi Patay na tatay ko. naghihintay lang Ako sa bigay ng mama ko, Minsan 100, Minsan 200 sa Isang Araw pagkakasyahin ko. na halos umabot sa Isang beses sa Isang Araw lang kung Kumain kami ng nga anak ko. Minsan tubig na lang. Minsan walang mainom na tubig, nagsasahod sa tubig ulan para may mainom... pero kakayanin ko to. sa tulong ni Lord. may tiwala Ako sa kanya.

Please log in to comment.